Sa bawat salitang ating ginagamit, kuwentong ibinabahagi, awiting inaawit, at kulturang ipinagmamalaki, naipapasa natin ang yaman ng ating pagka-Pilipino.
Huli man ang ating pagdiriwang, hindi kailanman huli ang pagkakataong ipagdiwang at pahalagahan ang ating sariling wika at kulturang Pilipino. Ang Buwan ng Wika ay isang pagkakataon para sa ating mga mag-aaral na hindi lamang matuto tungkol sa ating wika at kultura, kundi maranasan, maipakita, at higit na mapahalagahan ang mga ito.
Sa NCBA–Cubao, naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa sama-samang pagsisikap at suporta ng ating mga tagapamahala, guro, kawani, magulang, at higit sa lahat, ng ating mga mag-aaral. Sa bawat pagtatanghal, kasuotan, pag-awit, at paghahandang kanilang ipinakita, nakita natin ang kanilang pagkamalikhain, tiwala sa sarili, talento, at pagmamalaki sa pagiging Pilipino.
Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras, talento, at pagsisikap upang maging makulay at makabuluhan ang ating pagdiriwang.
Patuloy nating mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang ating sariling wika at kultura.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
#BuwanNgWika
#WikangFilipino
#KulturangPilipino
#NCBACubao
#NCBACubaoBasicEducation
#WikaAtKultura







