Cubao Campus 8913-8785 loc. 161-163 . Taytay Campus 8286-2928 / 8658-6992 . Fairview Campus: 8442-6956, 8442-6947

Tema: Wikang Filipino: Wikang Mapagbago

Noong Agosto 25, 2017, Ang paaralang National College of Business and Arts ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika aming nagdiriwang ng ika-400 na taong pamana ng yaman ng wika sa bansa ginanap sa kolehiyong bulwagan. Ang nasabing pagdiriwang punong-puno ng kasiyahan para itong pista sa bayan na punong-puno ng palamuti at pagtatanghal. Ito ay pinamunuan nina Bb. Helen L. Claveria, Gng. Ma. Ana P. Infante, Bb. Bea R. Sayasa, at G. Marvin Louise T. Baldestamon, sa patnubay ng puno sa asignatura ng Ingles at Filipino, na si G. Jovey C. Deleon. Ang mga dumalo sa nasabing palatuntunan ay ang mga studyante mula baitang 7 hanggang 12, bilang panauhing pandangal na sina Gng. Veronica F. Caro punong guro at Gng. Mariflor M. Uber, Pangalawang Pangulo para sa Marketing at Placement at tagapagtala ng National College of Business and Arts ng Taytay. Sa ganap na 1:15 ng hapon ang palatuntunan ay nagsimula na pinaunahang ng guro ng palatuntunan na sina G. Charles Louie Dela Cruz, at Bb. Aliana Colleen S. Chua, ang nasabing palatuntunan ng hapon na iyon. Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitang sa pagpapakilala sa pangkat ng mag-aaral na naghandog ng isang awit na panalangin na pinangunahang ng mga mag-aaral ng baitang 12 Socrates sa saliw ng awit na Natutulog ba ang Diyos ni G. Gary Valenciano ito ay kanilang binigyan ng isang interpretasyong sayaw ang awiting ito at sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pamumuno ng gurong tagapayo ng baitang 7 Acacia na si Bb. Erica Pacita Mallillin. Sinundan ng pagpapakilala sa mga inampalan ng patimpalak sa pag-awit, ni Bb. Helen L. Claveria. Ang unang hukom ay si G. Jacinto Villanueva, librarian sa kolehiyo. Sumunod ay si Gng. Esperanza Halabaso, ang Assistant Registrar. At si Bb. Grace Rubi, isang gabay opisyal. Sa sumakalawa pinangunahan ni Bb. Ma. Ana P. Infante ang anunsyo sa pamantayan sa paghusga sa mga kalahok. Nagsimula ang paligsahan sa pag-awit . Si Denn Chosen Juan Merilo galing sa baitang 7-Molave ang unang umawit sa kantang “Ikaw” ni Yeng Constantino. Sumunod ay si Charlot Lipata galling sa baitang 9-Rizal, na umawit sa kantang “Inang Bayan” ni Ciara Sotto. Sumunod ay si Nicole Faith Oliveron mula sa baitang 10-Ruby ay kumanta ng awit na “Torete” ng Moonstar88. Matapos ang unang tatlong pagganap, piling mga mag-aaral galing sa baitang 7-9 ay gumanap sa mga katutubong sayaw. Ang unang mga kalahok ay ang mga piling mag-aaral sa baitang 7 na nagsayaw ng Masskara Dance. Sumunod ay ang mga piling mag-aaral ng baitang 8 na nagsayaw ng Bulaklakan. Sumunod naman ang mga piling mag-aaral sa baitang 9 na isinayaw ang Lajota. Pagkatapos ng intermission galing sa tatlong pangkat ng mga piling mag-aaral, ipinagpatuloy ang patimpalak sa pag-awit. Ang sumunod na kalahok ay si Armie Jessie Nokom galing sa baitang 11-Dollar na kumanta ng “Malaya” ni Moira Dela Torre. Ang sumunod na kalahok naman ay si Karlyn Kimberly Betita na umawit ng sariling bersyon ng kanta ni Freddie Aguilar “Anak”. Ang huli ay si Judellien Abratiguin galing sa baitang 12-Canda na umawit din ng “Inang Bayan” ni Cara Sotto. Matapos ang huling tatlong pagganap. Piling mag-aaral ng baitang 10-12 ay inahalintulad din ang mga Katutubong Sayaw. Ang mga taga baitang 11 ay sumayaw ng Mindanaoan Tribe Dance, sa huli ay sumayaw ang mga mag-aaral galing sa baitang 12 ng isang interpretative na uri ng sayaw na inalok sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi. Bago ang pag-anunsyo ng mga nanalo sa patimpalak, Si Kyrsten M. Opao galing sa baitang 9 ng Rizal ay umawit ng “Araw Gabi” ni Regine Velasquez. Si G. Jovey C. De leon ay nanguna sa pag anunsyo sa mga kalahok na nagwagi sa paligsahan.

Bago matapos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Si G. Marvin Louise T. Baldestamon, ay nagbigay ng panapos na pangungusap. Sa pagtapos ng programa ang mga mag-aaral kasama ang mga tagapayo at Guro sa Filipino ay kumuha ng litrato kasama sina Gng. Veronica F. Caro at Gng. Mariflor M. Uber. Nagtapos ang programa noong ika 3:45 pm.